Ang Cryptocurrency Exchange ng Bybit ay Nakatanggap ng Pahintulot ng Karampatang Awtoridad upang Magsagawa ng Negosyong Virtual Asset sa UAE at Ilipat ang Pandaigdigang Punong-Tanggapan sa Dubai.



● Tinanggap ng UAE ang Bybit at inihayag ang paglago ng 'susunod na henerasyong FDI'
● Ang Bybit ay nakatuon sa patuloy na pagbuo ng komunikasyon sa mga regulators at mga mambabatas sa UAE at gagampanan ang pangunahing tungkulin sa pagtuturo sa mga mamumuhunan at mas marami pang tumatangkilik sa mga digital assets.

DUBAI, UNITED ARAB EMIRATES - Media OutReach - 31 Marso 2022 - Negosyong Cryptocurrency exchange Ang Bybit ay nakatanggap ng pahintulot ng karampatang awtoridad upang magsagawa ng malawakang pagnenegosyo ng virtual asset sa Dubai na inanusyo ng firm ngayong araw sa pinagsanib na pulong kasama ang UAE Ministry of Economy sa World Government Summit 2022. Inanunsyo din ng Bybit na plano nitong magtayo ng pandaigdigang punong-himpilan sa Dubai, na nag-aalok ng buong pangkat ng mga produkto at serbisyo sa buong mundo, sa ilalim ng "test-adapt-scale" na market model ng mga virtual asset sa Emirate.

image-4-.jpg


Idiniin ng Bybit na ganap itong nakatuon sa pagsuporta sa mga regulators ng UAE at nais na ibahagi ang malalim na kaalaman sa industriya, karanasan at pananaw sa lahat ng mga stakeholder. Ang Bybit ay may pangunahing papel na ginaganampanan sa pagtuturo sa mga mamumuhunan at mas maraming tagatangkilik kung paano gamitin ang mga virtual asset sa isang ligtas at responsableng pamamaraan, na tinutulungan ang UAE na pamahalaan ang mga panganib sa loob ng balangkas para sa responsableng paglago.

"Ang desisyon ng Bybit na magbukas ng pandaigdigang punong-tanggapan nito sa Dubai ay isang hakbang sa aming pagsisikap na iluklok ang UAE bilang isang pandaigdigang digital na tahanan," saad ni H.E. Dr Thani Al Zeyoudi, Ministro ng Estado ng UAE para sa Foreign Trade at Nakatalagang Ministro ng Pag-engganyo at Pagpapanatili ng Talento. "Ang mga Virtual asset tulad ng cryptocurrency at blockchain ay habambuhay na nagpabago sa pananalapi. Upang mapanatiling nangunguna dito sa napakabilis magbagong industriya na ito, bumubuo kami ng ecosystem na angkop sa negosyo na may matatag na mga regulasyon sa pag-engganyo, pagpapanatili at pagpapahintulot sa mga kumpanyang mabilis ang paglago – ito ay kapaki-pakinabang na dibidendo pagdating sa susunod na henerasyong FDI na inaasahan nating darating. Lilikha ito ng mga trabaho at oportunidad sa pamumuhunan at mapagsasama-sama ang ating posisyon bilang isa sa pinakakaakit-akit na lugar upang tirhan at pagtrabahuhan sa mundo para sa mga taong nasa industriya ng virtual asset at web 3.0."

"Inaasahan ng Bybit na makakapag-ambag sa mga pagbabago ng virtual asset ng masiglang ekonomiya ng Emirate at ang pagkakaroon ng aming pandaigdigang punong himpilan sa Dubai. Naniniwala ako na higit kaming makakatulong na maunawaan ang mga stakeholder sa kumplikadong industriyang ito dahil ang mga mundo ng virtual asset ay patuloy na mabilis na gumugulang. Ang pahintulot na ito ng karampatang awtoridad ay isang natatanging oportunidad para suportahan ng Bybit ang UAE at ang ambisyon ng mas malawak na rehiyon na maging pandaigdigang tahanan ng teknolohiyang virtual asset," saad ni Ben Zhou, ang kasamang tagapagtatag at CEO ng Bybit.

Ang Bybit ay isa sa pinakamabilis lumagong mga platform ng virtual asset na may pinakamataas na trading volume na US$76 bilyon araw-araw noong Mayo 2021 na pinamunuan ng sopistikadong grupo ng pangangasiwa na may talento sa IT, mga virtual asset, pamumuhunan at may ligal na kaalaman. Ito ang ikatlo sa pinakabinibisitang negosyo ng digital na virtual asset sa buong mundo.

Ang opisina ng punong-tanggapan ng Bybit ay inaasahang mag-uumpisa ng operasyon sa unang bahagi ng Abril 2022 at sinimulan na nito ang proseso ng pagkuha ng mga tauhan at paglilipat ng mga umiiral na pangkat at operasyon sa kanilang bagong tahanan sa Dubai.

Ang bagong Batas sa Regulasyon ng Virtual Asset ng Dubai sa UAE ay inanunsyo nitong unang bahagi ng buwan. Layunin nitong itatag ang balangkas ng pagpapatupad para sa sektor na binuo upang palakasin ang industriya na naglalaan ng matatag na gabay na nagpoprotekta sa mga namumuhunan, nangangasiwa sa cross-border transparency, at tumitiyak sa integridad ng pandaigdigang merkado.

Penerbit bertanggung jawab penuh atas isi pengumuman ini
Tungkol sa Bybit
Tungkol sa Bybit
Ang Bybit ay isang platform ng mga virtual asset na naitatag noong Marso 2018 na nagtatampok ng napakabilis na makina sa pagtutugma, napakahusay na customer service at suporta sa mga komunidad na gumagamit ng iba't ibang wika. Ang kumpanya ay naglalaan ng makabagong online spot at mga serbisyo ng derivatives trading, pagmimina at mga produkto ng staking, ang NFT marketplace gayundin bilang suporta sa API, sa mga kliyente ng tingi at institusyon sa buong mundo, at nagsisikap na maging pinaka maaasahang platform para sa umuusbong na uri ng mga virtual asset. Ang Bybit ay naging Pangunahing Kasosyong Grupo ng Formula One racing team, ang Oracle Red Bull Racing.

Para sa karagdagang impormasyon pakibisitahin ang:

Para sa mga update, pakisundin ang mga social media platform ng Bybit sa










SUMBER:

Bybit

KATEGORI:

Business

DIPUBLIKASIKAN PADA:

31 Mar 2022

Siaran Pers Sebelumnya

LEBIH LANJUT

Hubungi Media OutReach hari ini

HUBUNGI KAMI SEKARANG